1. Land Preparation
Pagbubungkal ng lupa gamit ang mga makinarya gaya ng traktura, rotavator, trailing harrow, baka at kalabaw para makapagbungkal. Mahalaga ang preparasyon ng lupa na dapat maisagawa ng 2-3 beses na pasada bago magtanim. Mas mainam na magawa ito 7 araw bago magtanim upang makuha ang tamang textura ng lupa at sabay-sabay na sibol ng buto.
2. Furrow Setting (Paggawa ng Guhit o Tudling/Pagtutudling)
Pagkatapos ng land preparation, ito ay isinasagawa isang araw bago magtanim. Traktura o kalabaw ang ginagamit na taga-tudling na may hila-hilang furrow setter na may sukat na 50-60 cm ang pagitan ng bawat tudling.
3. Basal Fertilization (Pag-aabono)
Gamit ang abono na 14-14-14, mag-basal ng 5 bag sa kada isang ektarya. Pwede itong gawin sabay sa pagtatanim. Mahalaga ang basal upang sa early stage ng mais ay may available na siyang nutrisyon na makukuha at naka-abang para maiwasan ang pagka-stress nya habang lumalaki.
4. Planting (Pagtatanim)
Sa pagtatanim, dapat makuha ang tamang distansya o agwat o hill-to-hill spacing na ating tinatawag. Pwede kang gumamit ng 17-20 cm na hill spacing. Pinakaimportante ang planting na dapat hindi magkamali dahil dito nakasalalay ang ani ng magsasaka at kita na naaayon sa ating rekomendasyong populasyon sa isang ektarya.