Entry Procedure:
1. Mag-fill-up ng registration form na libreng makukuha mula sa mga Official Isaac Seeds Representatives. Forms must be submitted and received by 4pm sa IsaacSeed Phils. Inc. Office sa Cauayan, Isabela.
2. One form per hectare. Sa mga gustong sumali ngunit kalahating ektaryang bukid lamang ang pag-aari, kailangan ninyong maghanap ng katabing bukid. Kailangang compact o magkadikit ang mga ito at may sukat na kalahating ektarya din upang mabuo ang isang ektarya at maging qualified entry sa contest. Mamili kung sino sa dalawa ang magiging representative para sa gaganaping contest.
3. Sukatin ang 1ha na lupa at lagyan ng IsaacSeed HectareMax100 merchandising na ibibigay sa farmer pagka-deliver ng IsaacSeed Hybrid Corn Seed.
a.Isang araw bago magtanim at pagkatapos magtanim, ang farmer ay kailangang tumawag or mag-text sa IsaacSeed representative sa inyong lugar. Ang farmer na kalahok at ang IsaacSeed representative ay lalagdaan ang registered form at lalagyan ng official stamp ang Plant Schedule na may petsa at oras nagsimula ang pagtanim.
Kung walang impormasyon sa schedule ng pagtatanim, hindi kumpleto ang registrationay madidiskwalipika ang nasabing kalahok sa HectareMAX100K Challenge.
4. Standard (tamang) Planting density
a. Para sa ROLLING LAND:minimum 90,000 plants/ha
b.Para sa FLAT LAND: minimum 95,000 plants/ha
RECOMMENDED Planting distance para sa HectareMAX100k:
a. Para sa ROLLING LAND: 55cm x 20cm
b. Para sa FLAT LAND: 50cm x 20cm
5. Population Certification – Tumawag sa IsaacSeed representative pagkatapos ng 15 DAP upang magsagawa ng random population sampling at makasiguro na nakasunod sa IsaacSeed HectareMAX100K population plants/ha. Kapag hindi umabot ang population sa minimum na 90,000 plants para sa ROLLING LAND at 95,000 plants para sa FLAT LAND, magigigng diskwalipikado ang naturang kalahok.
6. Maaring gamitin ng farmer ang rekomendasyon ng IsaacSeed Philippines Inc. Corn Planting Farm protocols or maaring gamitin ang kanyang sariling paraan o “technics/management practice sa pagtatanim.
PAALALA: Huwag gumamit ng Glyphosate. Natural Crop Solutions ang rekomendasyon dahil ang IsaacSeed ay Non-GMO Hybrid Corn Seed.
7. Pagdating ng ika-120 araw ng inyong tanim, kailangan na itong anihin. Ang IsaacSeed representative ay magsasagawa ng mga sumusunod:
a. 10 x10 meters sampling point – ang farmer ang pipili ng pinaka magandang lugar.
b. Aanihin ng magsasaka ang sampling point area at ilalagay sa sako ang mga mais. Ang sako ay lalagyan ng tanda ng IsaacSeed representative at pagkatapos
ay dadalhin sa nakatalagang weighing center sa inyong lugar.
c. “Pusiin”(shelling) ang mais at pagkatapos ay timbangin.
d. Ang Isaacseed representative at ang registered farmer na sumali sa Isaacseed HECTAREMAX100K ay lalagdaan ang final harvest weight, petsa, at oras natapos ang pag-ani
PAALALA: Kung umulan, magpalipas ng dalawang(2) araw bago mag harvest.
WHO ARE QUALIFIED TO JOIN?
- Para ma-qualify sa Isaacseed HetareMAX 100K Challenge, mayroon kang dapat minimum na ani na 10 MT para sa ROLLING LAND at 12MT para sa FLAT LAND
- Ang pataasan ng ani at pag sunod sa number 1-8 na procedure ang gabay ng Isaacseed Management Promo committee sa pagsuri ng karapat-dapat na magparticipate at manalo ng mga nakatakdang premyo.
HectareMax100k Challenge Prizes
1.Category 1 – ROLLING LAND
- 1st prize: P500,000.00
- 2nd prize: P300,000.00
- 3rd prize: P200,000.00
- Consolation prize: Mataas sa 10MT na ani ay makakatanggap ng 5 bags na 5kg IsaacSeed para sa isang ektarya
2. Category 2 – FLAT LAND:
- 1st prize: P500,000.00
- Consolation prize: Mataas sa 12MT na ani ay makakatanggap ng 5 bags na 5kg IsaacSeed para sa isang ektarya
3. Announcement of Winners:
- Ang mga mananalo ay ia-anunsyo pagkatapos ng official count ng mga ani ng mga kwalipikadong entry kasama ang DTI representative.
- Kapag ang isang farmer ay nanalo ng dalawang (2) major cash prize, ang ibibigay sa kanya ay ang mas mataas na premyo upang makapagbigay pagkakataon sa ibang kalahok.
- Kapag may tie na ani sa major prize, ang mas maagang nagtanim ang tatanghaling panalo. Ang ani at petsa ng pag ani ay importante para ikaw ay manalong mas malaking premyo Kung mas maaga kang nakapagtanim at umani ng 120 DAP, mas panalo ka!
- Winners will be announced sa social media channels ng IsaacSeed Phils, Inc.
- Ang mga mananalo ng major cash prize will be notified via registered mail by IsaacSeed Phils. Inc at sila ay makaka-recieve ng tawag mula sa representetative ng IsaacSeed Phils. Tandaan NO text/SMS notification will be sent to the winners. Kung walang response sa loob ng limang (5) working days, maaaring pumili ng ibang mananalo.
4. Claiming of Prizes:
- Para sa mga nanalo ng major prizes, magkakaroon ng awarding ceremony na magaganap pagkatapos ng anihan:
Location: Maison Hotel, Cauayan, isabela
Date: 4th week of April 2021
- Maaaring i-claim ng mga nanalo ng consolation prizes ang kanilang premyo within thirty (30) working days mula nang natanggap ang registered mail from IsaacSeed Phils. Inc.
- Ang lahat ng mga nanalo ay kailangang magpakita ng valid ID at isang official n document na ang pangalan ay kapareho ng nasa registered name ng entry. Ang mga valid ID's na maaaring ipakita ay:Driver's license, Voter's ID, Baranggay ID, Passport kung saan kumpleto ang buong pangalan, may photograph, at pirma. Ang official na document na maaaring ipakita ay original or certified true copy ng birthcertificate or marriage contract.
- Kung hindi makakarating ang rehistradong winner para makuha ang prize, maaari siyang mag padala ng kanyang "authorized representative" at sulat na nagsasabing ang representative ang maaaring kumuha ng kanyang premyo.Kailangan ding magdala ng representative ng mga sumusunod (1)valid ID ng mismong nanalo at representative; at (2) document ng mismong nanalo at ng representative.
- Ang mga premyong hindi makukuha pagkalipas ng animnapung araw(60) days simula ng pagkatanggap ng registered mail mula sa IsaacSeed Phils Inc.ay ituturing na forfieted in favor of IsaacSeed Phils.Inc. with prior DTI approval
- Ang mga empleyado at consultants ng IsaacSeed Phils. Inc. kasama ng kanilang mga kamag-anak hanggang sa second degree of consanguinity or affinity ay automatic na disqualified at hindi maaaring sumali sa promo. Ang identity ng winners shall be subject to verification.